An enlightenment


"To be guided is a blessing and to guide is a privilege". 


Mga salitang na-ilarawan ng aking ka-household kanina sa household sharing namin. It was very nice to bring back the bonding that we had shared with my household last semester. Naputol lang nga 'yong househould namin last sem because of our busy schedules. But still, God allowed us na maka-household ulit. Very thankful rin ako sa very warm accomodation ng family ng isa sa mga tinitingala kong leader sa YFC kung saan namin ginawa ang household. They are the ones who prepared for our food. And it's SPAGHETTI!!! My favorite!. Eventhough hindi kami naging kompleto kanina dahil sa umuwi sa kani-kanilang probinsiya ang ibang ka-execom ko, ngunit naging masaya pa rin ako sa pangkalahatang nangyari sa HH namin. The activity was prepared by my partner and it went well. 

The moment I saw them trusting their stories to me and to everybody in the household is so heart-touching. Iba nga talaga 'yong nagsi-share 'yong mga kasama mo. At nagkakaroon pa ng give-and-take process. Nakakapagbigay ka ng kaalaman patungkol sa nature ng buhay through your personal experiences and also you are able to receive knowledge from them sa pamamagitan ng sharing nila. 

Ang pinapangarap ko lang naman sa household ko as president of YFC USeP ay magkaroon ng tight relationship ang isa't-isa. 'Yung katulad ng relationship na mayroon ang mga taga community [YFC Community Based]. Mahirap din naman kasi sa Campus Based kasi sinasabay namin sa pag-aaral ang service namin sa Panginoon. It is very challenging and naging blessing na rin sa amin. It is very hard [really] for a college student na walang komunikasyon sa Panginoon. Kasi kung nasa community ka gaya ko, may nasasabihan ka ng problema mo lalo na't malayo ka sa pamilya mo na nasa probinsya. Naging sandalan ko na rin ang mga kasama ko sa YFC. And also, It feels so good na malaman mong ganun din ang nararamdaman ng ibang members mo sa Campus mo. 

Kahapon nga lang natapos ang first weekly gathering namin for the second semester, and it ended with a blast. [I think.] Kahit hindi kami ganun karami ngunit nakita ko naman na naging malaki ang impact ng activity para sa mga members. Ang saya-saya sa feeling nung pagkatapos ng lahat ng effort and pressure na nafeel mo sa paghahanda ng naturang event, makikita mo na napapasaya mo ang mga taong pinaghandugan mo nito. Sabi nga ng isa sa mga leader namin, "mas mabuti na i-fofocus mo ang atensyon mo sa pagdevelop ng quality ng inyong mga activity kesa sa pag-woworry for the number of attendees." Napagtanto ko nga rin, na aanhin nga ang maraming nag-a-attend sa gathering niyo, wala naman silang nakukuha sa mga pinhahatid niyo. Kung sabagay, napag-isip-isip ko, kung maipahahatid namin ng maayos ang message ng Panginoon, magiging domino effect narin naman siguro ang paglobo ng populasyon namin. Ma-eexperience ng isang member ang lupit ng Panginoon through the activities, siguro ang isang member na ito ay magsishare sa mga kasama niya para mafeel rin ng mga ito ang nafeel niya. At ganun rin ang gagawin ng mga bagong youths para sa mga kakilala nila. Bago ko nga lang na-realize 'to. Kaya sabi ko sa sarili ko. sige, pag-iigihan na lang namin ang pagpapaganda ng gathering namin. Kung baga "quality-enhancement' muna gagawin natin tsaka na ang pagpaparami. 

Naging malaking bagay na rin sa aking college life ang pag-si-serve sa Panginoon through YFC. Kahit minsan nafi-feel ko na burden ito ngunit hindi nauubusan ng rason at instrumento ang panginoon para sabihin sa akin na, "Axel, inilagay kita sa posisyong iyan dahil alam ko bagay ka diyan. 'wag kang mag-isip ng kung anu-ano. I can't do bad for you. I am your God and you just have to trust me and everything will be okay." 

Kaya, heto ako ngayon, nagtitiwala parin sa panginoon at ibinibigay ko na ang lahat ng mangyayari sa akin sa  Kanya. Ngayon, graduating na ako. Pressured. Pero sabi niya, Offer all of that to me. Do your best and I will do the rest of the things to bring you to SUCCESS. Kaya nga mahal ko ang panginoon ko, kasi he never fails me on anything. Wala nga siyang katulad. Nag-iisa lang siya. Unique na unique magmahal. 
Posted on 8:32:00 AM by Axel and filed under | 0 Comments »

0 remarks:

Post a Comment